Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

I feel relieved — Albie (Sa balitang si Jake ang tunay na ama ni Ellie)

FINALY, lumabas na rin ang katotohanan na si Jake Ejercito talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie at hindi si Albie Casino. Ang half sister ni Andi na si Max Eigenmann ang nag-reveal ng katotohanang ito sa podcast ni Mo Twister na Good Times With Mo Twister.

Kaya nga raw madalas mag-post ng picture si Jake na kasama si Ellie dahil nga raw ito ay kanyang anak. Wala naman daw problema sa visitation rights ni Jake kay Elllie dahil nabibisita at nahihiram naman daw niya ang bata kay Andi anytime na gustuhin niya.

Noong nakarating kay Albie ang balitang ito thru Pep.ph ay labis na saya raw ang naramdaman ng batang aktor.

“I feel relieved,” sabi ni Albie.

Mahigit limang taong nakaladkad ang pangalan ni Albie sa isyu kung sino talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi. Umabot pa sa puntong pumayag ang kampo ni Albie na magpa-DNA test para lang patunayan na hindi talaga siya ang ama ni Ellie ngunit hindi ito natuloy dahil ayaw ng kampo ni Andi.

Hindi na raw kailangan pa ng DNA test. So kaya pala hindi sila pumayag dahil mabibisto na si Jake talaga ang tunay na ama ni Ellie.

Galit na galit noon ang ina ni Andi na si Jacklyn Jose kay Albie dahil ayaw nitong panindigan si Ellie. Na nagawa tuloy niyang magsalita ng masasakit laban sa aktor. Hindi naman natin siya masisisi dahil ang pagkakaalam nga niya ay si Albie ang ama ng kanyang apo. Nagawang magsinungaling sa kanya ni Andi.

Pero siguro sa mga panahong ito, ay alam na rin niya ang katotohanan na nagawa na rin sigurong magtapat sa kanya si Andi na si Jake nga ang tunay na ama ni Ellie.

Nakakawa rin naman si Albie. Noon kasi ay pasikat na siya. Kaya lang dahil sa isyu sa kanila ni Andi, sa pagtatwa niya umano sa kanilang anak, ay naudlot ang kasikatan niya. Dapat ay hiumingi ng sorry sa kanya si Andi sa ginawa niyang kasinungalingan. At ano kaya ang magiging reaksiyon niya sa ginawang pagkompirma ni Max na si Jake ang ama ni Ellie?

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …