Monday , August 4 2025

Kuwentong OFW sa MMK, umani ng papuri

HAYO nang hayo! Ito ang patuloy na ginagampanan ni Ms. Charo Santos Concio sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo bilang Ambassadress na rin ng programang  MMK (Maalaala Mo Kaya) para sa mga regional at international na kuwentuhang Kapamilya sa mga kuwento ng buhay ng ating mga kababayan.

Kaya naman tuwing Sabado ng gabi, nakaabang ang mga manonood sa mga nakaaantig sa pusong kuwento nating lahat!

Kailan lang, matapos ang pananagumpay ng kanyang pelikulang idinirehe ni Lav Diaz nang magkamit ito ng parangal sa Venice International Film Festival, humayo naman ito sa Toronto, Canada para sa  #TFCKwentuhangKapamilyasaToronto.

Aminado si Tita Charing na hindi mabilang sa daliri ang magagandang kuwentong naibabahagi sa kanya ng ating mga kababayan. Kaya naman ang kuwento ng isang OFW noong nakaraang Sabado na tinampukan ni Aiko Melendez ay umani ng katakot-takot na papuri dahil marami ang sumasalamin sa ikot ng buhay nito at ng kanyang pamilya.

Sa darating na Sabado pinaghahandaan na ang paghahain ng kuwento ng buhay ng ating silver medalist na si Hidylin Diaz sa Rio Olympics 2016na gagampanan ni Jane Oineza.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Alden Richards Pilot

Alden Richards ibinida unang araw sa pagpi-piloto

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Alden Richards sa mga larawang kuha sa kanyang unang araw sa pag-aaral …

Emilio Daez KFC

Emilio Daez perfect choice bilang endorser ng KFC

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KASABAY ng pagdami ng KFC branch ngayong 2025 sa iba’t ibang …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae durog ang puso sa pagkamatay ng asawa, pagpapakalat ng maling impormasyon inalmahan

KINOMPIRMA ni Rufa Mae Quintoang pagpanaw ng asawang si Trevor Magallanes. Ibinahagi ng komedyante sa pamamagitan ng …

Nadine Lustre

Nadine kinontra post ng isang entertainment site 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan at ‘di napigilang mag-react ni Nadine Lustre sa ipinost ng isang entertainment …

Alfred Macapagal Piolo Pascual John Lloyd Cruz Angel Locsin Bea Alonzo

Piolo, Lloydie, Angel, Bea gustong makatrabaho ni Alfred Macapagal

MATABILni John Fontanilla PANGARAP ng newbie actor na si Alfred Macapagal na makatrabaho ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *