Sunday , September 8 2024

4 DRUG PUSHER/USER PATAY SA SHOOTOUT

PATAY ang apat hinihinalang drug pushers at users makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, sa drug bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina John Lester Lacion, 20; Aniceto Villamor, 40; Richard Hilbano, 30; at Jestoni Yu Tecson, 29, pawang mga residente ng Villa España 2, Brgy. Tatalon, Que-zon City.

Nauna rito, nakatanggap ang Galas PS 11 ng impormasyon na kasalukuyang gumagamit ng shabu ang mga suspek sa isang bahay sa Villa España St., kaya agad iniutos ni Supt. Christian Dela Cruz, hepe ng Galas Police, ang anti-drug ope-ration.

Ngunit imbes sumuko, nakipagpalitan ng putok ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Gem Castillo

Hiling bago pumasok ng politika, ipinagkaloob ng Diyos kay Mayora Gem Castillo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio WALANG imposible kapag ginusto ng Diyos. Ito ang makabuluhang tinuran …

Ara Mina

Ara hinihikayat tumakbong konsehal sa Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MARAMI raw humuhikayat kay Ara Mina na tumakbo bilang konsehal sa Pasig City. Eh …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *