Sunday , May 19 2024

Regine, ‘di sinasabing may bayad ang anak (Sa pagiging PLDT Home ambassador ni Nate)

NAKATUTUWA ang bonding moment ng mag-inang Regine at Nate Alcasid. Madalas maglaro ang mag-ina kasama si Ogie Alcasid. Kaya hindi rin naging mahirap para kay Nate gawin ang commercial nilang mag-ina para sa PLDT Home para sa Smart Watch.

Ayon kay Regine, super nag-enjoy si Nate habang ginagawa ang TVC ng PLDT Home for Smart Watch.

“They’re enjoying the playing. May mga nag-a-assist sa kanya ‘yung kapag ginagawa ‘yung ganitong commercial kaya parang naglalaro lang naman siya,” panimula ni Regine sa presscon/launching ng PLDT Home Smart Watch’s Peace of Mind’ campaign.

Anang Asia’s Songbird, sinasabi niya kay Nate na, ”Hindi naman kasi laging mayroon (commercial), ine-explain ko sa kanya na ‘o you’re working ha, you’re working today’. Ganoon lang siya and behave naman siya.”

Pero hindi raw niya sinasabi kay Nate na may bayad ang ginagawang trabaho. ”Hindi ko sinasabi kasi ayokong mag-isip na may pera o isipin niya ang tungkol sa pera. Pero nakaipon naman lahat ng kinikita niya. Ipe-placement ko siya para ‘pag tumanda siya kasi sayang eh kung andoon lang,” esplika pa ni Regine habang sige naman sa pag-smile at pakikilaro si Nate.

Nilinaw din ni Regine na hindi sila mahilig ni Ogie sa sistemang  reward system. ”Hindi kami naniniwala na if you do good bibigyan kita ng ganito kasi parang lagi na lang na ganoon. Parang mamimihasa. Na laging may kapalit. Ang sa amin, you have to be a good boy because I say so.”

Super enjoy naman si Nate sa Smart Watch ng PLDT Home gayundin si Regine na tamang-tama talaga para sa mga working mom na katulad niya. Si Nate na nga ang bagong kapamilya ng PLDT Home o ang baby ambassador.

“Malaki kasi ang maitutulong nito para sa mga working mom para lalo silang maging better mom,” giit nito. ”Specifically I get a lot of help from PLDT Home. They have a suite of products and services that are designed to give moms like me peace of mind through the power of technology. So far, super helpful talaga siya for me especially when I have to away for work.”

At bilang nangunguna sa digital innovations for the better home, nagdisenyo ang PLDT Home ng produktong makapagbibigay ng peace of mind sa mga magulang na tulad ni Regine para epektibong magawa ang mga bagay-bagay habang wala o malayo  sa kani-kanilang pamilya. Ang mga produktong ito ay ang FamCam at Smart Watch.

Ang FamCam ay isang home monitoring system na puwedeng mai-tsek ng mga magulang ang kanilang mga anak remotely at makipag-usap. Samantalang ang Smart Watch na personal na paborito ni Nate ay isang multi-functional gadget na puwedeng gamiting ng mga bata sa pagkuha ng picture, makinig ng music, at makapag-record ng voice.

Sabi nga ni Regine, mas madali na sa kanya na makausap si Nate dahil sa Smart Watch na naka-konek sa anilang Telpad o smart phone. Ginagamit din kasi ng pamilya nila bilang WiFi remote ito para sa Telpad o smart phone cameras para madali silang makapag-selfie o groupie saan man sila naroroon.

Kaya para sa mga millennial mom na katulad ni Regs, magpa-upgrade na ng Telpad plan na automatic na magkakaroon ng libreng 1Mbps Home DLS speed boost sa halagang P199 per month  na puwedeng maisama sa Smart Watch. Available ang watch sa existing Telpad subscribers. Mag-order lang online at idedeliver ito sa inyo ng libre. Para sa ibang impormasyon bisitahin ang pldthome.com/telpad/smartwatch.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *