THE star and her magic!
Appeal! ‘Yan daw ang hahanapin ng isa sa tatlong magiging judge ng Pinoy Boyband Superstar na si Sandara Park nang tanungin siya ni Boy Abunda sa programa nito kung ano ang hahanapin niya sa mga sasali roon ngayon.
Binalikan din nila ‘yung panahong si Boy ang judge ng Star Circle Questna sumali si Sandara.
Sa rami na nga raw ng sinabi ni Boy eh, wala siyang maalala.
And some scenes were shown. Nasabihan pala siya noon ni Boy na hindi siya sisikat. Kasi wala siyang talent.
Kaya naman tinatanggap nito ngayon na he is wrong!
Nasabihan pa raw si0ya nito noon na baka binili lang nila ang lahat ng text votes.
Ngayon pa lang, sa pagsasama nila ng Ate Vice Ganda niya, sinisigurado na ang pagsabog ng pagsasama nila.
“I like her charisma!”
Guwapo raw si Aga Muhlach. At si Yeng Constantino naman ang idol niya.
Abangan na ang Pambansang Krung-Krung na mukhang siya ang may hawak ng magic sa mga future stars sa larangan ng musikahan ng mga boyband.
HARDTALK – Pilar Mateo