TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Sinibak ang 22 chief of police (COP) sa Region 2.
Ayon kay Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office No. 2, sinibak ang 22 COPs nitong Agosto 24, 2016.
Anim sa mga pinatalsik na hepe ay mula sa Cagayan, 12 sa Isabela, tatlo sa Nueva Vizcaya, at isa sa Quirino.
Ayon kay Iringan, inalisan ng tungkulin ang mga nabanggit dahil sa mababang performance sa kanilang anti-illegal drug campaign sa ilalim ng project double barrel ng Philippine National Police.
Inilagay muna sila sa PRO-2 habang hinihintay ang mababakanteng mga posisyon na posibleng paglagyan sa kanila.