Anyway, naabutan naming nagbibiruan sina Michael at isa sa Birit Queen ng ASAP na si Morissette Amon. Niloko namin si Michael, ‘uy Michael, kung hindi lang alam ng tao na girlfriend mo si Gabrielle (Concepcion) ay puwedeng maging kayo ni Morissette.’
Nagulat kami kasi tinawanan lang kami ng dalawa.
“Actually tita Reggee, matagal na kaming tinutuksong dalawa, noon pa after ng ‘The Voice’ niya at ako naman ‘X-Factor’, may tawag nga sa amin (nag-isip) parang ‘SetKiel’ ata. Pero hindi, wala talaga kasi magkapatid ang turingan namin.
“Hindi ko siya (Morissette) nakitaan na maging girlfriend, hindi ko siya nakitaan ng malisya, ha, ha, ha, ha,” natatawang kuwento sa amin.
At hirit naman ni Morissette, “busy po kasi kami sa work kaya hindi namin napag-usapan.”
Napanood namin ang dueto nina Morissette at Michael at talagang may chemistry sila sa entablado kaya puwede rin silang package deal kapag may shows at concerts tulad nina Gary Valenciano at Zsazsa Padilla or Martin Nievera at Pops Fernandez noon at sina Erik Santos at Angeline Quinto ngayong henerasyon.
Anyway, ang Powerhouse Pinoy World-Class Performers ay produced ng magkakaibigang nabuo ang magandang samahan sa Solaire Casino at tinawag nilang Lucky 7 KOI Productions, Inc.
FACT SHEET – Reggee Bonoan