Thursday , June 4 2026

Bahay ng 200 pamilya winasak ng buhawi sa maynila

081616 bubong sira
AGAD sinikap ayusin ng ilang mga residente ang nasirang bubong ng kanilang bahay makaraan tangayin ng buhawi sa Lacson Avenue at G. Tuazon St., sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon. ( BONG SON )

UMABOT sa 200 pamilya sa Baseco, Tondo, Maynila ang naapektohan nang pananalasa ng isang buhawi sa Maynila nitong Linggo.

Tumagal ng sampu hanggang 15 minuto ang pananalasa ng buhawi na nagsimula sa Block 1, Gasangan, hanggang sa Intramuros, tumawid ng Burgos at dumaan ng Lawton, sa likod ng Central Post Office hanggang Sampaloc dakong 5:00 pm.

“Nagulat na lang ako na may mga sumisigaw na may ipo-ipo. Kahit ako napatakbo. Nakita ko ‘yung ipo-ipo may tangay na yero o kayo,” ayon kay Chris Hispano, chairman  ng Brgy. 649, Zone 68.

Habang may isang lalaking nasugatan ang kamay na agad binigyan ng lunas.

Ayon sa ilang residente, nagtakbuhan sila sa loob ng kanilang bahay nang makita nila ang isang malakas na hangin sa labas dahil sa takot.

Ilang puno sa Intramuros Maynila ang nabuwal dahil sa malakas na hangin na naging buhawi.

Ayon sa lokal ng lungsod ng Maynila, magpapadala sila ng mga pagkain at mga damit sa mga naapektohan ng buhawi.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …