Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 Chinese, 8 preso patay sa riot sa Parañaque jail (Warden sugatan)

081316_FRONT

SINISIYASAT ng mga awtoridad ang pagkamatay ng 10 bilanggo, kabilang ang dalawang Chinese, at pagkasugat ng mismong jail warden ng Parañaque City Jail kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na impormasyon, namatay ang 10 preso, kabilang ang dalawang  Chinese, makaraan sumabog ang isang granada.

Napag-alaman, nakikipag-dialogo si Jail Supt. Gerald Bantag nang hindi magkasundo ang mga lider ng mga bilanggo hanggang humantong sa gulo.

Agad nakaiwas ang warden nang sumambulat ang granada ngunit sugatan din siya.

Dinala na ang jail official sa Parañaque City Hospital at nananatiling nasa kritikal na kondisyon.

Kabilang sa mga presong namatay sa insidente ay kinilalang sina Jacky Huang, Yonghan Cai, Waren Manampen, Ronald Domdom, Rodel Domdom, Danilo Pineda, Joseph Villasor, Oliver Sarreal, Jeremy Flores, at Jonathan Ilas.

nina JAJA GARCIA / MANNY ALCALA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …