Thursday , June 4 2026
road traffic accident

11-anyos pisak sa killer truck

PATAY ang isang 11-anyos batang lalaki nang mabangga at magulongan ng isang trailer truck sa Malabon City kahapon ng tanghali.

Ang biktimang agad namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng pagkadurog ng ulo ay kinilalang si Joshua Sagala ng Sitio, Lupa Gozon Compound, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Patuloy ang follow-up operation ng mga pulis upang maaresto ang hindi pa nakikilalang driver ng JMB tracking na iniwan sa lugar ang minamanehong truck (PYW-733).

Ayon sa ulat, pasado 12:00 nn nang maganap ang insidente sa Letre Road kanto ng Gozon St., sa nasabing barangay.

Naliligo sa ulan ang biktima at papaliko ang truck sa kanto ng Gozon papasok sa kanilang garahe nang hindi napansin ng driver ang bata kaya nahagip ng kanyang minamanehong sasakyan.

Nagulungan ng truck ang kawawang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan habang mabilis na tumakas ang driver ng truck makaraan ang insidente.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …