Thursday , June 4 2026

2 patay sa taga ng mag-ama

LEGAZPI CITY – Patay ang da-lawa katao makaraan pagtatagain ng mag-ama sa lalawigan ng Masbate kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio Escote, 59, at Joel Escote, 35-anyos.

Napag-alaman, pauwi na sa kanilang bahay ang mag-ama makaraan kunin ang kanilang ka-labaw nang bigla silang hara-ngin ng mga suspek na mag-ama rin na sina Herson Abano at Jeffrey Abano.

Pinagtataga nila ang mga biktima hanggang sa binawian ng buhay.

Napag-alaman, ang matagal nang hindi pagkakaintindihan ng dalawang pamilya ang nagtulak sa mga suspek na gawin ang nasabing krimen.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …