LATE na nagsimula sa showbiz si Richard Yap pero handa siya kung anuman ang mangyari sa career niya pagkatapos ng popularidad na tinatamasa. Balak nga raw niyang mag-retire ‘pag tumuntong na ng 55 pero hindi pa niya masabi ngayon kung ano ang mangyayari. Kung gusto pa siya ng showbiz puwede naman siyang mag-stay. May mga negosyo naman siyang nasimulan na puwede rin siyang mag-focus balang araw.
Bida ngayon si Richard sa Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment. Makakasama niya sina Jean Garcia, Janella Salvador, Enchong Dee, Marlo Mortel, Jana Agoncillo, at Eric Quizon. Mula ito sa direksiyon ni Ian Loreños.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro