Thursday , June 4 2026

Peace talk sa CPP-NPA kakanselahin (Landmines pag ‘di itinigil)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ikakansela ang usapang pangkapayapaan kapag nabigo ang Communist Party of the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na itigil ang paggamit ng landmines at isama ito sa agenda sa idaraos na peace talks sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27.

“Either you stop it or we stop talking,” ayon sa Pangulo sa press briefing sa burol ng apat na sundalong namatay sa enkwentro sa NPA sa Compostela Valley sa Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao City.

Base sa pahayag ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagsabog ng isang landmine na itinanim ng NPA ang sanhi nang pagkamatay ng tatlong sundalo.

“I would insist you include the landmines or else no talks at all, then we fight for another 45 years…. I am now invoking the Geneva Conventions. It is part of the international law, not only of the Philippines but around the world,” ayon sa Pangulo.

Ipinagbabawal sa International Humanitarian Law alinsunod sa Geneva Convention ang paggamit ng “landmines, booby traps, incendiary weapons, blinding laser weapons and clearance of explosive remnants of war”.

Binisita ni Pangulong Duterte ang burol ng namatay na mga sundalo na sina Cpl. Gilmar C. Mapa, Cpl. Jimmy M. Bayta, Pfc. Rolen Roy C. Sarmiento, at Cpl. Ruel G. Mangaoang.

Habang sampung kawal ang nasugatan at nagpapagaling sa Camp Panacan Station Hospital.

Nauna nang inamin ni Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng NPA Regional Operations Command, Southern Mindanao Region, na walong sundalo ang napatay at 11 ang sugatan nang pinarusahan ng 8th Pulang Bagani Company ng NPA ang ang tropa ng 25th Infantry Battalion dahil sa aniya’y pag-aabuso sa mga sibilyan, pagnanakaw sa kanilang mga bahay, pananakit at pananakot sa mga magbubukid at Lumad sa Monkayo mula pa noong nakalipas na Hunyo.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …