Thursday , June 4 2026
Stab saksak dead

Manugang todas sa taga ng biyenan

TAGKAWAYAN, Quezon – Patay ang isang magsasaka nang tadtarin ng taga ng kanyang biyenan makaraan ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Cagascas ng nasabing bayan kamakalawa.

Isinugod sa pagamutan ang biktimang si Roderick Gadia Regala, 41, ngunit sa daan pa lamang ay nalagutan ng hininga.

Mabilis na naaresto ang suspek na si Avelino Buendia Hernandez, 63, magsasaka, tubong Agdangan, Quezon, pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:00 pm kamakalawa nang magtalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan.

Pagkaraan ay kumuha ng jungle bolo ang suspek at pinagtataga ang biktima.

Nakapiit na sa lock-up jail ng lungsod ang suspek na kakasuhan ng homicide.

( RAFFY SARNATE )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raffy Sarnate

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …