Thursday , June 4 2026
dead gun police

Brgy. kapitan, 3 pa patay sa ambush (2 sugatan)

CAUAYAN CITY, Isabela – Apat ang patay kabilang ang isang barangay kapitan sa pananambang ng hindi nakilalang mga suspek sa Cañogan Abajo Sur, Santo Tomas, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na si Punong Barangay Montano Zipagan ng Cañogan Abajo Sur; kanyang anak na si Joylyn Mabbayad, 23; pamangkin niyang si Jelane Zipagan, 8; at apo niyang si Aira Shane Zipagan, 12-anyos.

Habang sugatan sina Benita Zipagan, asawa ni Kapitan Montano, at Terris Joy Mabbayad, 1, isa pang apo.

Batay sa pagsisiyasat ng Santo Tomas Police Station, naganap ang pananambang bandang 5:15 p.m. sa bahagi ng municipal road sa Cañogan Abajo Sur, Santo Tomas, Isabela.

Ang mga biktima ay sakay ng isang kotse (UKL 319) at nang makarating sa maisan na walang tao ay agad silang pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …