Thursday , December 19 2024

Binatilyo utas sa saksak ng stepdad

PATAY ang isang 21-anyos lalaki makaraan pagsasaksakin ng kanyang stepfather bilang ganti sa pambabato ng bote ng biktima sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Michael Bansoy ng Block 9, Lot 22, Phase 2, Flovie Homes 2, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Habang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek na si Efren Rama, 38, installer ng glass supply, kinakasama ng ina ng biktima at nakatira rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 10:30 pm, natutulog sa loob ng kanilang bahay ang suspek nang magising sa ingay nang pagdating ng biktima.

Dahil sa inis, pinatay ng suspek ang circuit breaker sa loob ng bahay na ikinagalit ng suspek na humantong sa kanilang pagtatalo.

Pagkaraan ay kumuha ng bote ng softdrink ang biktima at ibinato sa suspek na nagawang makailag.

Ngunit kumuha ng patalim ang suspek at pinagsaksaksak ang biktima.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *