Aries (April 18-May 13) Dapat iwasan ang sobrang pagpapagod at stress.
Taurus (May 13-June 21) Mainam ang oportunidad na busisiin ang mga bagay sa ibang anggulo at ibahin ang mga taktika.
Gemini (June 21-July 20) Walang ibang makahihikayat kundi ang oportunidad na matuto ng bagong bagay.
Cancer (July 20-Aug. 10) Iwasan ang paninita sa iba, kundi ay masasangkot ka sa trobol.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Matutuon ang iyong atensiyon sa problema sa bahay at sa kalusugan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Mainam ang sandali ngayon para sa muling pagpapainit ng pagmamahalan sa tahanan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Huwag agad magdedesisyon nang pinal sa paglilipat ng bahay o pagbibili ng mga ari-arian.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang ilan sa kasalukuyang mga problema ay maaaring maresolba sa maliliit na negosasyon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring magkaroon ng hangaring baguhin ang sitwasyon mula sa pagiging pormal patungo sa pagiging masaya.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Kung mananatili ka sa gawain mo nang pagiging madaldal, mapanlait at pagkakalat ng tsismis, tiyak na kaiinisan ka nila.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Makinig sa iyong inner voice, huwag balewalain ang payo ng mga kaanak.
Pisces (March 11-April 18) Payo ng mga bituin na magsumikap para sa iyong personal achievements.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magiging madali ang pag-aayos ngayon ng mga dokumento para sa mahalagang bagay.
ni Lady Dee