Ang Zodiac Mo (July 08, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Dapat iwasan ang sobrang pagpapagod at stress.

Taurus  (May 13-June 21) Mainam ang oportunidad na busisiin ang mga bagay sa ibang anggulo at ibahin ang mga taktika.

Gemini  (June 21-July 20) Walang ibang makahihikayat kundi ang oportunidad na matuto ng bagong bagay.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Iwasan ang paninita sa iba, kundi ay masasangkot ka sa trobol.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Matutuon ang iyong atensiyon sa problema sa bahay at sa kalusugan.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Mainam ang sandali ngayon para sa muling pagpapainit ng pagmamahalan sa tahanan.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Huwag agad magdedesisyon nang pinal sa paglilipat ng bahay o pagbibili ng mga ari-arian.

Scorpio  (Nov. 23-29) Ang ilan sa kasalukuyang mga problema ay maaaring maresolba sa maliliit na negosasyon.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring magkaroon ng hangaring baguhin ang sitwasyon mula sa pagiging pormal patungo sa pagiging masaya.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kung mananatili ka sa gawain mo nang pagiging madaldal, mapanlait at pagkakalat ng tsismis, tiyak na kaiinisan ka nila.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Makinig sa iyong inner voice, huwag balewalain ang payo ng mga kaanak.

Pisces  (March 11-April 18) Payo ng mga bituin na magsumikap para sa iyong personal achievements.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Magiging madali ang pag-aayos ngayon ng mga dokumento para sa mahalagang bagay.

ni Lady Dee