BIDA si Enrique Gil sa suspense-thriller na Dukot.
This is the first time yata na hindi sila magkasama ni Liza Soberano, ang kanyang favorite leading lady.
During the presscon of Dukot ay natanong si Enrique kung ano ang feeling ni Liza na hindi sila magkasama sa isang movie. Parang first time kasing nangyari sa kanila ito.
“siyempre supportive naman siya sa akin kasi siya rin nainggit, eh. Kasi she wants to do an action films so bad especially umaaligid ang ‘Darna’ chismis na ‘yan. Basta kung gagawin niya, ako the same thing, I’ll support her all the way kasi nainggit talaga siya. Maybe soon, may gagawin din siya. Abangan n’yo na lang,”say ni Enrique.
Hindi man siya part ng Dukot, panay naman ang tweet ni Liza about the movie. She’s promoting the suspense-thriller sa kanyang social media accounts.
( Alex Brosas )