Musta Sir,
D n po aq nag-aaral, nag-stop ako ilang yrs na rn dhil need ko mg-work, lately ngdrim aq asa sch at nag aaral at palagi kng kasama ang bstfren q, tas ay may sumulpot dn na dog and paro2 yata, d masyado matandaan na kse, anu kea pinahihwtg ni2? Sana masagot nyo agad, aq c Daniel fr muntinlupa, dnt post my cp # senor, TY
To Daniel,
Maaaring may kaugnayan ang bungang-tulog mo sa kagustuhang makapag-aral ulit o kaya naman, sa panghihinayang na hindi mo nagawa ang isang mahalagang bagay sa iyong buhay. Maaaring may kaugnayan din ito sa nararamdamang inadequacy at childhood insecurities na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. Maaaring may kaugnayan din ito sa agam-agam hinggil sa iyong performance at abilities. Alternatively, ang ganitong uri ng panaginip ay maaaring nagpapahayag ng ukol sa mga bagay na natutunan sa buhay. Ikaw ay posibleng dumaraan sa “spiritual learning” experience. Nagsaaad din ang bungang tulog mo ng ukol sa bonds at friendships na ginawa mo noong nag-aaral ka pa. Ito ay posibleng nagsasabi rin ng hinggil sa pagdududa at pag-aalinlangan sa mga natamong accomplishments and the goals na natapos mo na. Maaaring pakiwari mo ay hindi mo naaabot ang expectation sa iyo ng iba. Ito ay maaaring bunsod ng ilang pangyayari o ng mga kasalukuyang sitwasyong nagaganap sa iyong buhay.
Ang ukol naman sa napanaginipang kaibigan mo ay maaaring may kaugnayan sa aspeto ng iyong sarili na inaayawan mo, subalit handa mo rin namang kilalanin at i-incorporate. Ang relasyon mo sa mga nakapaligid sa iyo ay may mahalagang papel upang mas makilala pa ang iyong sarili. Alternatively, kapag napanaginipan ang isang kaibigan, ito ay nagbabadya ng pagdating ng positibong balita. Subalit dahil childhood friend mo ito, ito ay nagsasaad din ng regression sa mga nakalipas mo noong wala ka pang responsibilidad, ang mga bagay-bagay ay mas simple, at carefree. Maaaring nais mong makatakas sa pressure at stress ng adulthood. Ikonsidera ang relasyon mo sa kaibigang ito at ang mga leksiyon na natutunan sa buhay. (Itutuloy)