Ang Zodiac Mo (June 22, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Masuwerte ang araw ngayon sa creative activities at pagpapalitan ng impormasyon at karanasan.

Taurus  (May 13-June 21) Ang araw ngayon ay mamarkahan ng emotional depression at distraksiyon.

Gemini  (June 21-July 20) Magkakaroon ng hindi mainam na komunikasyon, pagtatalo kasunod ng pagsulpot ng ilang mga problema.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Huwag aasa sa tulong ng mga kaibigan o mahal sa buhay sa pagresolba sa iyong personal na problema.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Masuwerte ang araw ngayon sa pag-aaplay sa mga ahensiya ng gobyerno o non-governmental organizations.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Iwasan ang panlalait at mga pahayag na iyong pagsisisihan sa dakong huli.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Sa suporta at pag-unawa ng mga mahal sa buhay, malalagpasan mo ang ano mang mga problema.

Scorpio  (Nov. 23-29) Pagtuunan ng pansin ang pamilya lalo na ang nakababatang miyembro.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) May posibilidad na mapagbuti pa ang relasyon sa mga kasama, at maaayos ang komunikasyon sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng magkaroon ng problema sa sariling kalusugan at sa kalusugan ng mahal sa buhay.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Maaaring maresolba mo na ang mga problema na inakala mong hindi mo kakayanin.

Pisces  (March 11-April 18) Pabor ang araw na ito sa pagpaplano ng bakasyon para sa pamilya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring maipatupad mo na ang matagal mo nang plano para sa pamilya.

ni Lady Dee