Hello po, gud am,
Nngnip ako ng pinto d ko sure, parang hinahanp ko o gsto kong buksan e, pero nagulat ako ksi my dugo yun, tapos ay umulan at nbura ung dugo, then may nalunod, pro aso pala, kol me Bhe
(09154758250)
To Bhe,
Ang pinto sa panaginip, kung ikaw ay pumapasok dito ay nagsasaad ng mga bagong oportunidad na dumarating sa iyo. Ikaw ay pumapasok sa bagong kabanata ng iyong buhay at lumilipat o gumagalaw from one level of consciousness to another. Partikular, a door that opens to the outside ay nagsasabi na dapat kang mas maging accessible to others. Samantalang a door that opens into the inside ay nagsasabi ng iyong paghahangad ng ukol sa inner exploration and self-discovery. Kapag bukas ang pinto, ito ay simbolo ng iyong receptiveness at kahandaang tumanggap ng bagong idea at konsepto. Kung may ilaw sa likod ng pinto, nagsasabi ito that you are moving toward greater enlightenment/spirituality. Kapag ang pinto ay sarado o naka-lock, may kaugnayan ito sa oporunidad that are denied at hindi available sa iyo o kaya ay nalampasan ka na. Mayroong humahadlang sa iyong pag-unlad. Ito ay simbolo rin ng ending of a phase or project. Kapag nanaginip na isinasara mo ang pinto, nagsa-suggests ito that you are closing yourself off from others. Ikaw ay may pag-aalinlangan na papasukin sa buhay mo ang ibang tao at ipaalam ang tunay mong damdamin. May kaugnayan din ito sa ilang pangamba at low self-worth. Kung may nagbalandra sa mukha mo ng pinto, may kaugnayan ito sa pakiwaring na-shut out ka sa ilang gawain o kaya naman, ikaw ay binabalewala o hindi pinapansin.
Ang dugo sa panaginip ay nagre-represent ng life, love, and passion as well as disappointments. Kung sa bungang-tulog mo naman ay may sugat ka o dinudugo o kaya naman ay nauubusan ng dugo, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakararanas ng exhaustion o kaya naman ay nakakaramdam ka na ikaw ay emotionally drained. Ito ay maaari rin namang nagsasaad ng bitter confrontations sa pagitan mo at ng iyong mga kaibigan bunsod ng mga isyung nakalipas na. (Itutuloy)