Ang Zodiac Mo (June 17, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Sikaping mapanatili ang pagiging flexible sa relasyon, at kontrol sa sarili.

Taurus  (May 13-June 21) Limitahan ang contact sa mga kaibigan at kakilala, ituon ang sarili sa paghahanap ng mapagkukunan ng lakas.

Gemini  (June 21-July 20) Ang ilang mga hakbang ay walang ibubunga. Ang hinihintay na pagbabago ay magiging negatibo.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Posibleng may maganap na pakikipagtalo sa partner o asawa dahil sa problema sa pera.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ang sobrang pagiging emosyonal ay posibleng magdulot ng pagkadesmaya at pakikipag-away.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Magkakaroon ng mga bagong ideya na magpapabago sa iyong imahe.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Ang mga bituin ay may babala sa posibleng komplikasyon sa relasyon sa mga kaibigan at kapamilya.

Scorpio  (Nov. 23-29) Ang problema sa pamilya ay nangangailangan nang sapat na atensiyon.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Magiging payapa at tahimik sa relax na paligid.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng matulungan ang nangangailangang mga kaibigan o kamag-anak.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Ang pagkakataong magkaroon ng bagong kakilala ay posibleng humantong sa seryosong relasyon.

Pisces  (March 11-April 18) May magaganap na selosan sa mga miyembro ng pamilya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sa pamamagitan ng pag-iingat at pagtiyak sa bawat hakbang, maiiwasan ang maraming problema.

ni Lady Dee