HARD TALK
ni Pilar Mateo
NAUUSO ba ang pagre-revive ng mga kinakanta natin kapag panahon ng Kapaskuhan–ang Christmas carols?
Ang isang banda ini-revive ang O, Holy Night ni Larry Graham.
This time, ang Silent Night na orihinal na inawit ni Frank Sinatra naman ang papaimbulog sa musical platforms sa pamamagitan ni Lance Raymundo.
Ito nga ang balita ng kanyang manager na si Doc Art Apacible Aragon.
Na ngayon ay itinuturing ng international artist dahil sa pagiging bahagi nito sa mga international pageant na nagho-host at kumakanta rin.
Sa malalaking international events abroad gaya ng Miss Universe India, Miss Grand Bangladesh, Miss Teen Universe in Colombia, Miss Teen International in Cambodia, Mister India Universe at iba pa.
At ito ngang pag-uwi niya, bilang isang Viva artist, may sorpresa rin sa kanya si Boss Vic del Rosario.
Ito ang pagtalaga sa kanya para bigyan ng electropop version ang klasikong awitin ni ‘Ol Blue Eyes para sa Viva Records ngayong Pasko.
Makakasama niya ang mga kapatid sa management na sina Rannie Raymundo, 2013 Bb Pilipinas Grand Queen, singer and Viva Artist Ali Forbes, at Viva Actress and singer Chase Romero. At ipakikilala rin ang Parfum na bagong pop girl group ng VAS (Viva Artists Agency).
May natalisod din akong balita while in Singapore. Na he’s being eyed to host and perform sa gaganaping Star Gala ng isang store catering sa mga gown owned by Len Chan!!!
Pang-international na talaga!
