SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
“NANINIWALA ako na kayang makipagsabayan ng mga Filipino sa buong mundo,” ito ang nasambit ngFounder at CEO ng ZY Shop Worldwide Company at ZY BioScience Corporation dahil sa pagwawagi bilang Best Skincare Formulator for PDRN Product sa 22nd Japan Bioformulation 2026 na si Dr. Mary Rose “Rahm” Dagdag.
Patuloy na gumagawa ng pangalan sa Japan ang Filipina Cosmetic Chemist, entrepreneur sa larangan ng cosmetic science at skincare innovation.
“Sa sipag, tiyaga, edukasyon, at pananampalataya sa Diyos, walang imposibleng pangarap,” giit ni Dr. Rahm.
Sa mahigit 12 taon niya sa negosyo, naging bahagi ng kanyang misyon ang pagbuo ng makabagong skincare products at pagtulong sa mga Filipinong nangangarap magkaroon ng sariling beauty brand.
Isa sa pinagtutuunan niya ng pansin ang PDRN skincare formulation, na gumagamit ng sangkap na pinag-aaralan para sa skin-conditioning at rejuvenation applications.
Hindi lamang sa negosyo nakatuon si Dr. Rahm. Aktibo rin siyang nagsusulong ng entrepreneurship education sa pamamagitan ng ZY Entrep Academy at mga programang pangkomunidad ng ZY Shop Foundation.
Para kay Dr. Rahm, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga parangal, kundi sa dami ng buhay na nabibigyan ng inspirasyon at oportunidad.
Nakabibilib na sa anumang larangan, mula Pilipinas hanggang Japan, patuloy na ipinagmamalaki ang talento at husay ng Pinay sa mundo ng skincare innovation!
