Janice sa Pridyider: matatakot ba talaga sila? 

Janice de Belen Pridyider Shake Rattle and Roll SSR

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMI ng horror films na nagawa si Janice de Belen, naranasan na niya na may fans na lumapit sa kanya at nagsabing hindi niya pinatulog ang mga ito dahil sa takot.

“Oh yes, oh yes!

“The ‘Pridyider’ in particular. Kasi nga naman who would ever think, something as harmless as a ref would actually be something you’d be really scared of.”

Ang Pridyider ay isang episode sa 1984 film, Shake, Rattle & Roll na pinagbidahan ni Janice.

Ang kuwento ay tungkol sa isang haunted at isinumpang refrigerator ang naghasik ng lagim at takot lalo na sa mga nakapanood ng nabanggit na horror film na pinakaunang installment sa SRR film franchise.

May mga hindi ba makalilimutang alaala si Janice habang gumagawa ng mga horror na pelikula?

“You know weirdly, I really enjoyed doing these films. Kasi they’re different, eh. They’re different, you know that they will stay, you know na may matatakot, ganoon ‘yung effect mo sa kanila.

“So it was really fun!

“Like ‘yung ‘Pridyider’ when we did it, it was the first time I’ve worked with Ishmael Bernal. So that alone was already a great experience.

“Then again the ‘Pridyider’ na habang ginagawa niyo ‘yung movie, iniisip ko, ‘Matatakot ba talaga sila sa Pridyider? Ano ba ‘yung nakatatakot?’

“But then when you watch it mapi-feel mo, ‘Ah okay, kaya pala sila natakot!’”

Isa si Janice sa espesyal na bisita sa launch ng partnership ng Regal Entertainment, Inc. at Bingo Plus dahil ang ilan sa mga episode ng SRR ay maaari nang laruin sa mga online game.

Present sa launch sa Enderun Tent sa BGC ang tatlo sa mga bumida sa iba-ibang episodes ng SRR tulad nga ni Janice (na  nakapitong SRR films), John ‘Sweet’ Lapus (pitong beses din), at JC de Vera na napanood na sa Emergency Room at Ahas episodes.

At siyempre, dumalo rin sa event ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde na mga big boss ng Regal.


Ang mga bagong games ng Bingo Plus na hango sa SRR franchise ay ang Undin, Aswang Fiesta, LRT Monster Boom, Reyna Ahas, at Manananggal.