MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sa pangarap ng Visayan singer at 7th PMPC Star Awards for Music New Female Artist of the Year na si Debbie Lopez ang magkaroon ng solo concert abroad.
Post nito sa kanyang Facebook, “Manifesting Global International Concert 2027!
. From Baguio to the world stage—Asia’s Radiance Icon is bringing the magic LIVE!
Let’s turn every dream, every billboard, and every rhythm into reality as we take the Radiance journey across borders in 2027.
”
Masayang ibinalita rin nito sa social media ang kanyang album na naglalaman ng apat na magagandang awitin kasama ang pinanaluman nito sa 7th PMPC Star Awards for Music, ang Ang Higugmaon ka kasama ang mga awiting Kahayag sa akong Life, Tindog, at Radiance. Lahat ng kanta ay available na sa lahat ng digital streaming app.
Bukod sa pagkanta ay balak ding pasukin ni Debbie ang pag-arte, na gusto niyang makagawa ng isang action film.
Makakasama rin siya sa concert na RR40 Richard Reynoso Timeless Memories (The Repeat) sa Dec. 11 sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City.
