MATABIL
ni John Fontanilla
BUKOD sa pag-arte at pagkanta, dream ni Bea Binene na maging isang TV news anchor. At kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay ‘di na siya magdadalawang-isip at tatanggapin niya kaagad.
Sa broadcast channel ni Bea #AslBeanca ay may nagtanong na netizen ng, “If bibigyan ka po ng chance maging news anchor, would you take it?”
Na sinagot naman ng aktres ng, “Agad agad. Walang pag-aalinlangan hehe.”
Sa ngayon ay abala si Bea sa shooting ng horror film na Morticia na makakasama si Claudine Barretto at idinirehe ni Topel Lee.
