Lance Raymundo, abala sa promo ng latest single niyang “Silent Night”

Lance Raymundo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGIGING mas aktibo ngayon si Lance Raymundo sa kanyang singing career. Nakapanayam namin ang aktor/singer/composer kamakailan at nalaman namin na abala na siya sa promo ng kanyang single.

Kuwento sa amin ni Lance, “Yes, ang title ay “Silent Night,” may music video rin iyan sa Viva Records Channel.

“I’m heavily promoting this for now, then yung pinaka-comeback single ko as Viva Records artist will be released on February. So, from November to December, maraming TV promo lined up. This single is an official Viva Records release.”

Aniya pa, “When Doc (Mike Aragon) had a meeting with sir Vincent regarding my music… they suggested to bring back Silent Night para may magandang buwelo yung single ko sa February.

“The video came out 2019… but they are now pitching it sa TV and radio as a permanent Christmas song… yung tipong every Ber months ay bumabalik.

“But I told them na sa Christmas 2027, I also wanna record a new one, pero same style, classic Christmas song na rearranged sa style ko na electro pop. Iyong silent night ko is also a rearranged version of the original.”

Bakit iyan ang kanyang piniling song?

“Viva yung nag-suggest ng Silent Night, pero idea ko yung gawing electro pop ito. So I requested for Ramiru Mataro to help me rearrange it…

“Kamamatay lang ni Dad when Viva told me to record Silent Night. Originally they want to give it a Michael Buble style version. Ako naman… I don’t wanna be sad promoting it, so I suggested why not give it a danceable version?

“They allowed me to experiment, If they like the outcome they will release it. E ‘pag present ko ng finished product nagulat sila, they liked it.

So ‘yun, that’s my trademark na… yung ginagawang electro pop ang Christmas song.

“Incidentally, sa mga upcoming TV guestings ko, featured dancers ko ang ‘PARFUM.’ PARFUM is the PPOP group na alaga din ni Doc Mike.”

Anyway, ang isa pang single ni Lance ay titled “Fatanas.” Ito’y sa pamamagitan ng isang sa mobile game, na  magkakaroon din ng vertical movie series.

Ang Fatanas ay mula kay Doc Mike Aragon na co-manager nina Lance, Rannie Raymundo, Chase Romero, at Ali Forbes sa Viva Artists Agency. Siya ay producer ng “WPS” series, founder ng KSMBPI (Kapisanan ng Social Media Brodkaster ng Pilipinas), at Media Affairs head ng Knights of Rizal all over the world.

Sa Fatanas mobile game ay tampok sina Lance bilang Commander Wolf; Rannie bilang Commander Barako; Chase as Princess Rome, at Ali bilang Phantom. Ito ay prodyus in collaboration with Rizal Media, OPC.

Ang Fatanas ba ay kombinasyon ng isang fat o taong greedy at ng name ni Satanas, kaya naging Fatanas?

Esplika ni Lance, “Iyong Fat, hindi naman yung literal na katabaan ng katawan ang tinutukoy ko… symbolic lang iyon. Para sa akin kasi, yung mga corrupt and greedy people, lumolobo at bumibigat ang kaluluwa … the more evil deeds they do, lalo na kapag maraming mahihirap na tao ang naagrabiyado… parang palubog nang palubog sila patungong impiyerno (na home base ni Satanas). Kaya tinawag ko silang Fatanas.”

Paglilinaw pa niya, “This is not an insult for fat people, especially nowadays, kasi may body positivity, hindi ba? Noong 2011 ay wala pa iyon noon e, hindi ito body shaming.

“So, si Doc Mike ang nag-suggest tungkol sa isang project, na feeling niya ay bagay ang song kong Fatanas. Ako naman, why not? Kasi nga, nakita ko rin yung pakay niya, kung bakit gusto niyang gamitin iyong kanta. So, ibinigay ko yung song.”

Dagdag pa ni Lance, “Hindi ito patama sa sino mang politiko, no one in particular. Bale, in general iyon, kasi, lahat naman tayo ay may tendency na maging makasarili, hindi ba? Even as a friend or as a family man… As human being, talagang lahat tayo ay may temptation na somehow ay maging makasarli.

“So, iyon ang pinatatamaan ko, not one person in particular. Lahat ng tao na puwedeng ma-temp, hindi lang politiko… puwedeng negosyante or student. May mga nambu-bully na student, hindi ba? O kaya yung matatalino, bakit hindi nila i-tutor ang mga classmate nila para sabay-sabay silang umunlad? So, it’s for every one.”

“I’m excited to be one of the featured characters together with Kuya Rannie, Chase and Ali.” Masayang sambit pa ni Lance.