Chinese national nasakote sa pekeng birth certificate

Bureau of Immigration Intelligence Division

TULUYANG nalambat ang isang Chinese national na nagpanggap na Filipino at gumamit ng pekeng birth certificate upang makakuha ng Philippine passport sa ilalim ng pangalan ng pekeng dokumento.

                Nasakote ang dayuhan nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa Hanoi, Vietnam.

Inulat ng Bureau of Immigration (BI), ang suspek, kinilalang si Yao Shucheng, 36 anyos, mga alyas na na Lee at King Agbulos ay naaresto noong Linggo ng madaling araw nang dumating mula Hanoi, Vietnam, sakay ng Philippine Airlines flight PR596.

Sa pahayag ng BI, nakakuha si Yao ng tunay na pasaporte ng Filipinas gamit ang birth certificate na na pinagbasehan ng kanyang pekeng pagkakakilanlan.

Halos 21 buwan siyang nasa labas ng bansa bago bumalik sa Filipinas.

Iniuugnay ang nasabing Chinese national mula sa mga ulat ng paniniktik na sangkot sa pamamaril noong 2024 sa Parañaque City na ikinamatay ng dalawang Chinese national.

Nasa kustodiya na ng BI si Yao habang pinag-aaralan ang deportation at permanenteng blacklist laban sa Chinese national na nagpanggap na isang Pinoy.