Wilbert sobrang pressure sa Peemak 

Peemak Wilbert Ross Bea Binene

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang ma-pressure ng lead actor ng Philippine Adaptation ng Thai blockbuster movie na Peemak na si Wilbert Ross.

Kuwento ni Wilbert sa grand mediacon na lagi namang may pressure every time na may project siyang ginagawa.

“Pressure will always be there, every project na ginagawa o ibinibigay sa akin, siyempre nagtitiwala po ‘yung Viva or ‘yung producer na kumukuha sa amin.”

Dagdag pa nito, “And ayun po hindi po siya nawawala eh, sige sabihin na natin, kasi ako po first ko po ito na cinematic na ako ‘yung lead so, technically may bigat ‘yung pressure.

“But I think nababawi naman doon sa confidence, ito ‘yung mga taong katrabaho ko na on cam and off cam. Sobrang nakababawas ng kaba kasi alam kong magagaling ‘yung mga katrabaho ko.

And  sana po mapagbigyan kami at ng ibang tao na panoorin ‘yung ‘Peemak’ Philippine adaptation.”

Pareho sila ni Bea na proud na proud sa kanilang pelikula.

“Sabi nga ni Bea isa ito sa mga project na talagang magiging proud na proud ako na sabihin na panoorin niyo.”

Makakasama nina Wilbert at Bea sa Peemak sina TJ Valderma, Vandolph, Jairus Aquino, at Gian Bernardino, directed by Victor Villanueva.

Mapapanood ang Peemak in cinemas nationwide simula October 14. Hatid ng Viva Films.