Chris Cahilig sa Student Shorts Category sa Cine Panalo Filmfest: ‘Di lang cash incentives tutulungan ding matapos ang movie

Cine Panalo Film Festival 2026

I-FLEX
ni Jun Nardo

AYAW pakabog ng Puregold sa kanilang 2026 Cine Panalo Film Festival dahil hindi lang full length film ang handog nila sa publiko kundi pati Student Shorts Category!

Pito ang kalahok sa Full Length Category at ilan sa stars sa movie ay sina Zanjoe Marrudo, Khalil Ramos, Xyriel Manabat, Rochelle Pangilinan, John Arcilla, Juan Karlos Labajo at iba pa.

Hinati naman sa apat na sets ang student shorts category at may future ang dating ng pagkakagawa nito base sa ilan naming napanood.

Ayon sa festival director na si Chris Cahilig, hindi lang cash incentives ang bigay nila sa mga napili kundi tulong din sa pagtatapos ng movie.

Natutuwa naman ang Puregold dahil maraming kabataan ang nangangarap maging bahagi ng paggawa ng pelikula.

Mabuhay ang Puregold sa magandang layunin na bigyan ng platforms ang mga nangangarap makagawa ng makabuluhang pelikula,