I-FLEX
ni Jun Nardo
SAKTO sa birthday month sa buwan ng Pebrero ang playdate ng reunion movie nina John Prats at Heart Evangelista.
Parehong February 14 ang birthdays ng Jo-Heart at isang taon ang agwat ng edad nila.
Inanunsiyo na nga ang reunion movie nila na February 2027 ang target playdate pero wala pang ibang detalye.
More than 20 years nang hindi nagkasama ang dalawa at ayon kay Heart, “Perfect” comeback movie nila ang gagawin.
Kabisado na nila ang isa’t isa kaya naman nandoon na ang excitement kay Heart.
Of course kapwa na may asawa sina Heart at John at ngayon pa lang eh sabik na ang Jo-Heart fans na mapanood sila sa kanilang screen comeback!
