MATABIL
ni John Fontanilla
INIINTRIGA ng mga netizen si Nadine Lustre na baka raw buntis ito.
Napapansin ng mga netizen sa mga lumabas na video sa social media na kuha sa isang event na tila may umbok sa tummy ng aktres.
Ang nasabing event ay nang maging espesyal na panauhin ang aktres sa isang men’s magazine sa Marriott Grand Ballroom Hotel kamakailan.
Bukod kay Nadine natsitsismis din na preggy sina Kim Chiu at Sarah Geronimo.
