MA at PA
ni Rommel Placente
ONE of the best concerts na napanood namin ang Sa Aking Puso: Silver Anniversary Edition ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
In fairness, maganda ang stage, talagang ginastusan. At ang gaganda ng mga production number, pinag-isipan at pinaghandaang mabuti.
At ang napili nilang kantahin, panalo. Lahat ng kinanta nila ay magaganda at alam namin. Kaya sumabay kami ng pagkanta ng malakas, na naging dahilan para mamaos kami. Hahaha!
Super nag-enjoy talaga kami sa concert ng mag-asawa. Walang boring part. Hindi katulad ng ibang concerts na napanood namin, na mayroon. Kaya hindi namin maiwasang makaidlip. Hahaha!
Naging special guest nina Dingdong at Jessa ang kanilang nag-iisang anak na si Jayda.
Nag-duet ang mag-ina ng Points of View. At ang mag-ama naman ng Because You Love Me.
Congratulations kina Dingdong at Jessa. And happy silver wedding anniversary.
