Jessa at Dingdong sinuportahan nina Pops, Randy, at Ogie

Dingdong Avanzado Jessa Zaragoza

MATABIL
ni John Fontanilla

PUNOMPUNO ang katatapos na silver anniversary concert ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, ang Sa Aking Puso sa New Frontier Theater Araneta City, Cubao noong September 13, 2026.

Lahat ng kinanta ng mag-asawa ay patok na patok sa lahat ng mga nanood ng kanilang konsiyerto mula sa kanilang mga hit song, mga timeless Pinoy 80’s songs at Abba medley.

Wala pa ring kupas sina Jessa at Dingdong na napakahusay pa ring kumanta at mag-perform.

Naging espesyal na panauhin ng mag-asawa sina Concert Queen Pops Fernandez, Randy Santiago, Ethel Booba, Kaye Brosas, Tim Pavino, Noel Cabangon, at ang kanilang very talented unica hija na si Jayda.

Ilan naman sa nakita naming mga celebrities na nanood ay sina Maestro Vehnee Saturno with Ladine Roxas-Saturno, Bayani Agbayani and wife, Gladys Reyeswith son Christophe and Mommy Zeny, Ida Henares and husband Ronnie Henares, Sheree, Andrea Del Rosario, Maureen Larazabal, Ogie Alcasid, Mosang, Nova Villa, Jeffrey Gonzales, Geneva Cruz atbp..