SIPAT
ni Mat Vicencio
LAGLAGAN NA!
Itinuluyanna nga ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos sampahan ng kasong plunder ng Sandiganbayan at ipag-utos na arestohin dahil sa diumano’y pagkakamal ng P7.44 billion.
Ang kasong plunder ay dahil sa pagtanggap ng iba’t ibang uri ng suhol tulad ng komisyon at kickback mula sa mga contractors ng flood control project sa ilalim ng national budget noong 2022 hanggang 2025.
Si Martin ay kasalukuyang nakakulong sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Pero nagkakamali si Bongbong kung inaakalang ‘panalo’ ang kanyang ginawang panghuhudas kay Martin. Hindi kasi papayag si Martin na mabulok sa kulungan nang hindi kasama ang tunay na ‘mastermind’ ng bilyon-bilyong pisong corruption sa flood control project.
Kung tutuusin, tinumbok na mismo ni Martin na si Bongbong ay may kinalaman sa 2025 budget scandal at hindi maaaring ituon lamang ang sisi sa Kamara at Senado kundi pati sa executive branch.
“That is why command responsibility is far more logically relevant in the executive branch, where there is actual supervision, operational control, and implementation on the ground, than in a collegial legislative body whose constitutional role is deliberation and appropriations,” pahayag ni Martin.
Sinabi pa ni Martin na hindi siya makapapayag na maging ‘scapegoat’ sa flood control project scam.
“If this is a political play to push me out and close the story, tarnishing my name and my reputation, then I am telling everyone now: I will not go quietly, and I will not go alone. I will not be the ‘fall guy’ for other people’s corruption,” paliwanag ni Martin.
Naniniwala rin si ACT Teacher Party-list Congressman Antonio Tinio na hindi si Martin ang ‘pinakamalaking isda’ sa flood control project scam kundi si Bongbong.
“Hindi namin tinatanggap ‘yung script na ang pinaka-mastermind ng flood control ay si Speaker Martin Romualdez. Hindi siya mastermind, ang mastermind at pangunahing nakinabang ay si Pangulong Marcos, Jr., mismo,” sabi ni Tinio.
Kaya nga, humanda ka Bongbong! (30)
