DINAGSA ng mga kababayan mula sa iba’t ibang lugar ang “Job Fair” at iba pang mga programang inilunsad ng Pasay City local government unit (LGU) kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ginanap sa Cuneta Astrodome kahapon, Lunes, 14 Setyembre 2026.
Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto Rubiano ang aktibidad na umabot sa 15 kompanya ang nakilahok sa job fair na may kabuuang 4,660 job vacancies ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho.
Layunin ng nasabing aktibidad na maghatid ng direktang tulong, serbisyo publiko, at abot-kayang bilihin para sa mga mamamayan ng Pasay at mga karatig-lugar.
Kasama sa mga programa at serbisyong ipinagkakaloob sa mga mamamayan ang ₱20 kilo ng bigas, kasama ang iba pang mga murang bilihin.
Libreng bigas para sa 500 napiling benepisyaryo mula kay PBBM.
Payout para sa libo-libong benepisyaryo ng TUPAD Program sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kasama rin ang Serbisyong Pangkalusugan ng Department of Health (DOH) at ng PhilHealth — gaya ng free medical consultations, risk assessment, flu vaccination at pamamahagi ng libreng wheelchairs at iba pang tulong-medikal.
Bukod dito may libreng legal assistance mula sa Department of Justice (DOJ), Bureau of Immigration (BI), at Board of Tax Appeals. (EJ DREW)
