Seth, Francine pumayag nang maghalikan

A Cake to Remember Francine Diaz Seth Fedelin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

COURAGEOUS pero hindi daring. Ito ang binigyang linaw ni Francine Diaz nang matanong kung handa na ba sila ni Seth Fedelin sa mas matured na role ngayong G na silang naghalikan on screen.

Sa pakikipag-usap namin sa FranSeth noong Martes nabanggit ng dalawa na finally ay nagkaroon na nga sila ng totoong kissing scene para sa iWant micro-drama series nilang A Cake to Remember.

Iba nga ang kissing scene na ito kompara sa ginawa nila noon na halikan o iyong viral kiss ni Francine kay Seth na naganap sa Bench Fashion Week, Abril 2026.  Ito ‘yung biglang hinalikan ni Francine sa pisngi si Seth habang naglalakad na ikinagat ng aktor.

This time on screen na ang halikan ng dalawa. Na may consent nila. Kaya naman marami ang kinilig.

At nangyari nga ang totoong kissing scene sa kanilang latest project. At kasunod ng pagbuking na mayroon silang kissing scene eh ang tanong kung handa na sila sa mas daring na eksena.

Ani Francine, “Siguro po kung gagamitin ‘yung word na ‘daring,’ baka maging too much to describe it, ‘yung next step.

“Siguro, mas ano lang po, mas magiging courageous kami to take on roles na daring for us, individually and magkasama. 

“Pero in terms of doing kissing scene with each other, hindi pa po namin alam ‘yun sa ngayon if kayang i-take po sa next level na,” sambit pa ng aktres.

Medyo na-pressure naman si Seth sa tanong at ipinaliwanag na karamihan sa fans nila ay mga bata kaya kailangan ding maging maingat sila sa pagdedesisyon sa kanilang career.

Kailangan po ba naming sumabay sa mga daring? Kailangan po ba naming magpakita ng kung anong gusto nilang makita?

“At hindi rin po namin kaya ‘yun kaya that’s why may Star Magic po na gumagabay sa amin, nag-a-ask kami kung okay po ba ito?” ani Seth.

Isa lang ang tiniyak ni Seth ukol sa kissing scene nila ni Francine. Hindi sila pinilit ng ABS-CBN at iWant na mgawin ang kanilang kissing scene.

Paliwanag ng aktor, “Hindi po nila kami pinilit o kinulit na gawin namin ‘yon. Nasa sa amin po ‘yon, ibinigay po nila ang huling desisyon sa amin pero sinasabi po nila ‘yung pros and cons.

Actually, wala siyang masyadong pag-uusap. Walang masyadong paliwanagan, and ABS-CBN naman po, of course, JRB Productions, and iWant, and mahal po namin kung saan kami ngayon nakatira, saang bahay mayroon kami, which is ABS-CBN. And nagtutulungan po kami,” sambit pa ng aktor na ibig sabihin, sa ABS-CBN project nila gagawin iyong pag-level up sa kanilang career, iyon ngang kissing scene.

Ibinahagi pa ni Francine na pinayagan siya ng parents niya na gawin ang naturang kissing scene dahil pinagkakatiwalaan silang pareho ng kanilang mga magulang.