Netizens napa-sana all
ECHO BINUHAT SI JANINE PATAWID NG BAHA

Jericho Rosales Janine Gutierrez

MA at PA
ni Rommel Placente

HINANGAAN at umani ng papuri si Jericho Rosales mula sa netizens dahil sa ginawa niya sa girlfriend na si Janine Guttierez.

Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang mga litrato at video ng celebrity couple na sina Jericho at Janine na binuhat ng aktor ang aktres habang tumatawid sa baha.

Nasa Los Angeles, California sila ngayon para sa Manila International Film Festival.

In-upload sa Instagram ng manager ni Jericho na si Pinky Tady-Angodung ang video na kuha sa Beverly Hills at masasaksihan nga kung paano kinarga ng kanyang alaga si Janine.

Coz it’s raining in Manila, pati rito sa Hollywood,” ang mababasa sa caption ni Pinky sa kanyang IG post.

Pinusuan at sandamakmak na positibong komento ang nakuha ng award-winning actor dahil sa effort niyang ito sa kanyang girlfriend.

Sa comments section, nag-dialogue si Janine ng, “Akala ko tatalon kami patawid eh.”

Narito naman ang  ilang reaksiyon ng mga netizen sa pagiging protective at sweet ni Echo kay Janine.

Ama namin, nasan yung amin??”

“The more i admire jericho that much..very consistent pagiging gentleman nia…sarap sa feeling ..parang princess nini nmin..luv u both thanks miss.Pinky for capturing that precious moment for us.”

“I knew Echo would do the right thing.”

“10000 pogi points. Guys.. LEARN.”

“Ay ang sweeeeet sanaol talaga hahaha!”

“Disney Princess yan siya!!”

.“Sana all lord pls hahaha!”