Andrew E and co. mainit na tinanggap  sa Toronto, Canada

Andrew E Toronto, Canada Concert

MATABIL
ni John Fontanilla

KUNG gaano kainit ang naging pagtanggap sa King of Pinoy Rap na si Andrew E at ng kanyang mga kasama sa Amerika, ganoon din sa Toronto, Canada.

Sinalubong  si Andrew E. and company ng ‘di mabilang na dami ng tao na gusto siyang makita sa Toronto airport.

Post nga ni Andrew E. sa kanyang Facebook Page, “It was a very hot and real warm welcome for Me and my Team AE here in Toronto…!!! Wow!!! ❤️🔥🤗 #thankyou #welcome 🇨🇦

Kaya naman sa mainit na pagsalubong ng mga taga-Toronto Canada sa Team Andrew E. ay inaasahang magiging super mega successful ang concert nito na gaganapin sa  Canada Event Center sa Sept. 05.

Makakasama ng King of Pinoy Rap sa Toronto, Canada Concert sina Jawtee(Salbakutah), Proy and Budz (Undadogz Rap Duo), Sixt Threat ( mFreestyle Champion), at Alvin  (Musical Director).