INIHAYAG ni Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” Robredo ang buong suporta para sa Responsableng Panonood Program ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kasabay ng pagpuri kay Chairperson at CEO Lala Sotto at buong Ahensiya sa pagsulong nito sa adbokasiya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa isang pulong-balitaan kasama si Sotto noong Lunes, 24 Agosto 2026, sinabi ni Robredo na napapanahon ang developmental initiative ng MTRCB, lalo sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng mga magulang, guro, at komunidad sa pagprotekta sa mga bata mula sa harmful media content at online influence.
“You visited us at a most opportune time. Dahil marami na rin kaming problema, just like the rest of the country, because of the influence of what the kids see online, ay nahihirapan din kami how to manage,” sabi ng punong-lungsod ng Naga.
Kinilala rin ni Robredo ang proactive effort ng MTRCB na turuan ang mga pamilya, guro, lokal na opisyal, at komunidad tungkol sa responsible viewing habits at age-appropriate classification.
“Alam namin na doble hirap ‘yung trabaho niyo ngayon, because there are a lot of things [that are] out of your control. Pero we are very grateful that you came over to visit us, dahil pagpapatunay ito para sa amin na we are all in this together,” sabi pa ni Robredo.
Laking pasasalamat niya sa Ahensiya na hindi nagpatinag sa mga balakid at patuloy na isinagawa ang Responsableng Panonood Program.
“Nagpapasalamat kami sa MTRCB na hindi hinayaan ‘yung limitations to get in the way of doing things. That you have been going around the country to advocate for more responsible viewing, not just as far as movies and television are concerned, but lalong-lalo na with the content that people see online,” dagdag pa ni Robredo.
Ipinaliwanag naman ni Sotto na bagamat ang Responsableng Panonood Program ay tinututukan ang grassroots education at participation, isa itong responsive whole-of-nation approach upang tiyakin na ligtas ang mga bata mula sa masasamang impluwensiya sa media at online platforms.
“Ito po ay whole-of-nation approach. Hindi kayang mag-isa ng Mayor or ng local government unit (LGU). Kinakailangan ang kooperasyon, koordinasyon ng ating educational sector, ng ating mga magulang and the government as well,” diin ng MTRCB Chair bilang panawagan sa mga pamilya na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang kanilang mga anak.
“We would like to equip and empower, most especially the parents and supervising adults, as to the safeguards, security measures and the parental control features na puwede nating i-utilize para sa kapakanan ng ating kabataan,”sabi pa ni Sotto.
Hinikayat din niya ang mga magulang at guro na makipagtulungan sa Ahensiya na siguruhin na naiintindihan at ginagamit ng mga pamilya ang age-appropriate classifications at ratings sa paggabay sa panonood ng kanilang mga anak.
Pinangunahan nina MTRCB Vice Chair Juan “Johnny” Revilla at Board Members Eloisa “Wise” Matias, Carmen “Keats” Musngi, Almira Muhlach l, at Richard Reynoso ang masiglang talakayan at palitan ng opinyon tungkol sa Responsableng Panonood at PROTECT Framework ng MTRCB.
Dumalo ang mga magulang, kinatawan ng mga parent-teacher groups at senior citizens mula sa iba’t ibang komunidad sa Naga City sa Responsableng Panonood Program ng MTRCB nitong nakaraang Lunes.
