MA at PA
ni Rommel Placente
SA kabila ng kinasangkutang eskandalo matapos kasuhan ni Rita Daniela ng Acts of Lasciviousness, naniniwala pa rin si Archie Alemania na hindi siya masama at pabayang mister at tatay sa apat niyang anak.
Naglabas ng saloobin ang aktor tungkol sa mga pinagdaraanan niya ngayon sa kanyang personal na buhay sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz.
Sabi ni Ogie, hindi raw niya alam kung paano sasabihin kay Archie kung gaano ito kabuti at kadakilang ama dahil sa mga isyung kinasangkutan nito.
Kabilang na nga riyan ang paghatol ng guilty kay Archie noong October, 2025 sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code na isinampa laban sa kanya ni Rita.
Sabi ni Ogie kay Archie, “Kasi sa dami ng mga issue sa ‘yo, kailan ko ba sasabihin kay Archie ito…na isa siyang dakilang asawa?”
Reaksiyon ng aktor, “Ako, I believe, dakila akong asawa. Kasi noong nagpakasal ako, as in wala talaga, walang kalokohan.
“Siya lang talaga. Time and effort para sa pamilya ko.
“Everything that I have is for them, and everything that I do is for them. ‘Yun ‘yung para sa akin.
“So masasabi ko, and I believe, from the bottom of my heart, I am a good father and good husband,” giit pa ni Archie.
