MATABIL
ni John Fontanilla
ANG yapak ni Rosanna Roces ang gustong sundan ng VMX star na si Shannon Sizon na bibida sa VMX movie na VMX Tape.
Kaya naman kayang-kaya raw nito ang sobrang palaban at lakas ng loob ni Rosanna pagdating sa paghuhubad sa pelikula.
Tsika nga ni Shannon, “Opo! Kasi lagi ko ngang sinasabi alam ko kung ano ang pinasok ko.
“And sigurado naman ako with Viva and VMX na hinding-hindi nila ako pababayaan. I’m in good hands.”
Balak daw nitong i-remake ang pelikula ni Osang na Patikim ng Pinya na paulit-ulit niyang pinanood.
“Actually ang gusto ko talagang i-remake ‘yung ‘Patikim ng Pinya,’ kasi ito talaga ‘yung una kong napanood, parang mga trice ko yata siyang pinanood. Bet na bet ko talaga ‘yun.
“Kahit noong tinanong ako ni Boss Vic (del Rosario), ‘yun talaga ‘yung gusto ko.
“Tapos ‘yung I’m not sure if tama ba ‘yun, ‘Curacha’.
“Wait ano ba ‘yung title ng film na ‘yun? ‘Yung ‘Ligaya’ (ang itawag mo sa akin).
“I think nagawa na yata ‘yung ‘Ligaya?’ I’m not sure, hindi pa ba?
“I grow up kasi na I idolize Rosanna, sabi nga nila noong bata ako, boldstar ‘yang idol mo, sabi ko maganda.”
Pangarap din nitong makatawid sa mainstream mula sa paghuhubad sa pelikula at makasama at makatrabaho ang kanyang showbiz idol at crush na si Jericho Rosales.
“Actually, of course gusto ko rin naman po ‘pag may opportunity na darating, hindi ko siya mamadaliin.
“Kung may gusto akong maka-work, to be honest si Echo talaga, si Jericho Rosalesm uhmmmm papi chrot charot.”
Bakit si Jericho?
“Crush ko talaga siya noong bata ako. Crush siya ni mother, pero mas crush ko siya.”
May chance na ba na nagkita kayo?
“Mayroon yata sa mall, nakasalubong ko lang siya bata pa ako nito kaya talagang crush na crush ko siya.
“Dumaan siya noon tapos pinayagan niyang magpa-picture ‘yung mother ko.”
Mapapanood ang VMX Tapes starring Shannon sa August 18 sa VMX sa direksiyon ni Ray Gibraltar.
