I-FLEX
ni Jun Nardo
INAMIN ng VMX star na si Shannon Sizon na sinagot niya ang isang may indecent proposal sa kanya.
Eh maganda na, sexy pa si Shannon kaya nakatatanggap siya ng indecent proposal.
Ayon kay Shannon sa mediacon ng VMX special feature na VHS tape na siya ang host, nawindang ang lalaking gusto siyang maka-one night stand dahil sa malaking perang hinihingi niya at kondisyon sa pagkikita nila.
“Humingi ako ng isang milyong piso (P1-M). Ako ang mamimlii ng lugar kung saan kami magkikita at may mga kasama ako! Buong barangay, ha ha ha.
“Nabigla yata siya sa mga sinabi ko kaya hindi na siya tumatawag ulit!” pahayag ni Shannon.
Ang VHS Tapes ay streaming na sa VMX at ka-back to back nito ang VMX movie na Apoy Sa Ibabaw, Apoy sa Ilalim na bida sina Rhian Rivera at Itan Rosales.
Hindi na namin tinapos ang back to back mediacon ng Viva at nang umalis kami ng 3:00 p.m. nakauwi kami ng bahay ng 6:30 p.m. dahil ito ang araw na binaha ang halos Metro Manila dahil sa ulang dala ng habagat! (Ako naman nabasa dahil sa lakas ng hangin at biglang buhos ng malakas na ulan—ED)
