I-FLEX
ni Jun Nardo
ISA ang Sparkle artist na si Vince Maristela sa napilitang bumaba ng sasakyan niya at naglakad dahil sa matinding traffic dahil sa baha na dulot ng habagat noong Lunes.
Ibinahagi ni Vince sa kanyang Facebook ang kanyang paglalakad at may caption pa itong Baha Serye sa video.
“Mas mabilis maglakad kaysa sumakay sa kotse,” sey ni Vince na todo pa ang ngiti.
Ang basketbolista namang si Macmac Cardona eh nag-post ng picture niyang lumalangoy sa isang bahagi ng Araneta Avenue at nagbiro na undergoing siya ng aqua training!
Todo galit ng mga taong lumusong at nabalahaw ng traffic dahil sa baha na dala ng habagat sa mga buwayang nagkamal ng pera dahil sa flood control!
