BONGGA talaga ang Pinay International Actress na si Lea Salonga na muling nagbigay karangalan sa bansa na isa sa naging featured artists sa katatapos na D23 Disney Princess: The Ultimate Concert Celebration na ginanap sa Disney California Adventure Park.
Nakasama ni Lea sa Disney Princess concert celebration ang iba pang international singers na tulad niya ay maituturing na Disney Princess at ginamit ang mga boses o kumanta ng theme song sa mga animated or live action movie ng mga prinsesa ng Disney.
Tulad nina Jodi Benson (animated Ariel), Halle Bailey (live-action Ariel), Anika Noni Rose (animated Tiana), Paige O’Hara (animated Belle), Auli’i Cravalho(animated Moana), Catherine Lagaʻaia (live-action Moana), Judy Kuhn (animated Pocahontas), at Susan Egan (Broadway’s original Belle).
Kinanta ni Lea ang awiting Reflection bilang siya ang original singing voice ni Mulan sa animated film at ang A Whole New World na naka-duet nito si Brandy.
Si Lea ang original singing voice ni Princess Jasmine sa animated film ng Aladdin noong 1992 at si Brandy naman ang boses sa live-action 1997 Cinderellal movie.
Isa si Lea sa nakatanggap ng sobra-sobrang papuri at malakas na hiyawan at palakpakan sa mga nakapanood ng ng nasabing concert .
