RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

rajaking

rajaking login

rajaking daftar

rajaking

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

TERAGOL

TERAGOL

TERAGOL

Nuevas Filipinas: Ang geopolitics noon
ANG MAPA NG 1857 AT ANG PAGBEBENTA NG CAROLINES SA GERMANY NOONG 1899 (Ikatlong Bahagi)

PADAYON Teddy Brul
Mapa de las Islas Filipinas, las Marianas y Carolinas.

ALAM ba ninyo, bago naging paboritong bakasyonan at base militar ng Amerika ang Guam, at bago nahati sa Palau at Micronesia ang Caroline Islands, ang mga islang ito ay pinamamahalaan noon ng Espanya mula mismo sa Intramuros, Maynila?

Noong panahon ng mga Kastila, ang saklaw ng kolonyal na administrasyong nakasentro sa Maynila ay higit na malawak kaysa mapa ng Filipinas ngayon —ang sakop natin ay higit pa sa 7,641 isla dahil umabot ito hanggang sa dulo ng malawak na Karagatang Pasipiko.

Ang ebidensiya — Ang Mapa ng 1857

Hindi ito kuwentong barbero, mga ka-Hataw! Malinaw na katibayan ang opisyal na mapang Espanyol noong 1857 na may pamagat na “Mapa de las Islas Filipinas, las Marianas y Carolinas”.

Sa kanang bahagi ng lumang mapang ito, malinaw na nakasulat ang mga katagang “Islas Carolinas”. Sa ilalim nito, kitang-kita ang guhit ng mga isla ng Yap at Palaos (Palau).

Ang Caroline Islands ay bahagi ng Spanish colonial sphere sa Pasipiko at pinangangasiwaan mula sa Maynila bilang bahagi ng Spanish East Indies.

Ang geopolitics:

Guam at Carolinas sa kamay ng Maynila

Bakit napunta sa kamay ng Maynila ang mga islang ito? Ang sagot: dahil sa estratehikong lokasyon natin at sa sikat na Galleon Trade. Noong sakupin ng Espanya ang Pasipiko, napakalayo ng Madrid at Mexico para direktang mamahala.

Kaya naman, ginawang kabisera ang Maynila ng tinatawag na Spanish East Indies. Dahil dito, ang lahat ng pondo o “situado (subsidy)”, utos ng mga prayle, suweldo ng mga sundalo, at kagamitang ipinapadala sa Guam at Carolinas ay nanggagaling at pinagpapasyahan sa loob ng Intramuros at sa Archdiocese ng Cebu.

Dito rin lumitaw ang pangalang “Nuevas Filipinas” o “New Philippines” isang dating katawagan sa bahagi ng Micronesia at Carolines. Ipinakikita ng pangalang ito kung gaano kalalim ang pagkakaugnay ng mga islang iyon sa Spanish East Indies at sa sentrong kolonyal nito sa Maynila.

Ang ‘Mock Battle’ at ang bagong hati ng Pasipiko

Noong Agosto 1898, matapos ang pagkatalo ng Espanya sa digmaan laban sa Estados Unidos, isinagawa ang tinaguriang “Mock Battle of Manila” noong 13 Agosto. Sa likod ng seremonyal na labanan at pagsuko ay ang mas malaking usapin: sino ang magmamana sa mga kolonyal na teritoryo ng Espanya sa Pasipiko?

Ang palabas na ito ang naging daan sa palamuting “Treaty of Paris” noong 10 Disyembre 1898. Dito ay opisyal na ipinagbili ng Espanya ang Filipinas, Guam, at Puerto Rico sa Estados Unidos sa halagang $20 milyong dolyar — ngunit iniwan sa labas ng kasunduan ang Palau at Carolinas.

Dahil tuluyang nawala sa Espanya ang Maynila na sentro ng pamamahala sa Pasipiko, ibinenta naman ng Espanya sa Alemanya noong 1899 ang Caroline Islands at Mariana Islands, maliban sa Guam, sa halagang 25 milyong pesetas.

Ang sugat sa kasaysayan

Bagama’t binago ng mga tratado ang lumang mapa at tuluyang nawala sa Maynila ang sentro ng pamamahala sa Pasipiko, may isang bagay na hindi kayang burahin ng geopolitics: ang ugnayan ng mga taong naiwan sa likod ng mga guhit sa mapa.

Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, maraming Filipino ang ipinatapon sa Guam, Marianas, at Carolines. Ang ilan ay mga bilanggong politikal o mga itinuturing na kalaban ng kolonyal na pamahalaan. May mga deportadong nanatili sa mga isla at nakabuo ng ugnayan at pamilya sa mga lokal na pamayanan.

Dito nagtagpo ang magkaibang karanasan ng mga Filipino at mga katutubo ng Micronesia sa ilalim ng kolonyal na paghahari. Hindi pareho ang kanilang kasaysayan, ngunit kapwa sila naapektohan ng kapangyarihang kolonyal — at sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga ugnayang panlipunan at pampamilyang nag-iwan ng bakas sa kasaysayan ng Pasipiko.

Sa huli, ang “Nuevas Filipinas” ay hindi lamang kuwento ng isang lumang mapa o ng mga islang nagpalipat-lipat ng kolonyal na amo. Ito ay kuwento ng mga taong nabuhay sa pagitan ng mga imperyo.

Nagbabago ang mapa. Naglilipatan ang kapangyarihan. Ngunit ang mga taong naiwan sa pagitan ng mga guhit nito ang tunay na nagdadala ng kasaysayan.

Mga Sanggunian:

El gran Islario de Pacifico español – Sociedad Geografica Español sge.org;

Caroline Islands – Academia Lab academia-lab.com;

Historical Documents – Office of the Historian history.state.gov;

Treaty of Peace Between the United States and Spain msc.edu.ph; Treaty of Paris lawphil.net;

guampedia.com

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN 4D

Login PIN4D

Daftar PIN4D

Link PIN4D

Link alternatif PIN4D

Situs PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D

PIN4D