Newbie singer idolong-idolo si Janine Berdin

Jam Leviste

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG debut single ni Jam Leviste ay ‘yung Awit ng Puso, na sinundan ng Nawawala Ako Sa Sarili

Ang dalawang awitin ay parehong isinulat ng award-winning composer na si Vehnee Saturno.

Ang unang kantang natutunan ni Jam ay ‘yung pinasikat ni Adele na Set Fire to the Rain.

Si Adele ang paborito niyang foreign singer, at si Janine Berdin naman, na itinanghal na Grand Champion sa Season 2 ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime, ang paborito niyang local  singer.

Noong napanood daw niya si Janine sa mga concert nito ay napahanga siya dahil sa galing sa pagbirit ng mga kanta. Gaya ni Janine, biritera rin siya.

Kumakanta ng ballad at upbeat songs si Jam, sa tanong kung ano ang mas mahirap kantahin sa dalawa, ang sagot niya, “‘Yung upbeat po. Kasi sinasabayan mo po ‘yung pagsayaw at pagkanta. Parang nakakahingal din po siya at the same time.”

Si Jam ay grade 7 na sa Stella Maris Academy sa Malolos. Ang kaibigan naming si Audie See ang tumatayo niyang manager.

Ang mga magulang ni Jam ay sina Engr. Mario at Mariciel Andaya.

Aminado si Jam na daddy’s girl siya.  Kapag may kailangan siya na something or certain things ay ang daddy niya ang mas nilalapitan niya. At ibinibigay nito ang kanyang requests.