I-FLEX
ni Jun Nardo
LUMANG video na pala ni Mariel Rodriguez-Padilla ang biglang sulpot sa social media. Maghahain pa lang ng certificate of candidacy ang asawang si Robin Padilla.
Ang hindi nagustuhan ng netizens ay ang umano ay ang pahayag ni Mariel na nakapagpasa na si Robin ng batas noong nasa kulungan iyon.
Paano nga naman makapagpapasa ang isang tao ng batas kung hindi siya senador? That time raw eh nasa kulungan pa si Robin.
Siyempre, dapat nasa Kongreso o Senado ang isang tao bago makapagpasa ng batas! Either Kongresista siya o Senador!
Eh habang nasa kulungan, hindi pa kongresista o senador si Robin.
Tanong ng marami, paano nangyari ‘yung sinasabi ni Mariel? Hindi ba niya alam ang tungkol sa mga batas eh may pinag-aralan naman siya?
Kaya hindi natin masisisi ang netizens lalo na ang lawyers. Noon siguro, walang alam si Mariel kung paano nagagawa ang isang batas. Baka ngayon eh may alam na siya’t tagumpay siyang depensahan ang asawa para naging senador.
